Home HOME BANNER STORY Archbishop emeritus Capalla yumao na

Archbishop emeritus Capalla yumao na

MANILA, Philippines – Pumanaw na nitong Linggo sa edad na 89 si retired Davao archbishop Fernando Capalla.

Ipinaabot ni incumbent Davao Archbishop Romulo Valles ang pagpanaw ni Capalla sa secretariat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. (CBCP).

Si Capalla ay nagsilbi sa archdiocese nang higit sa 15 taon at isang kilalang tagapagtaguyod ng kapayapaan sa Mindanao.

Pinamunuan niya ang CBCP mula 2003 hanggang 2005.

“It is with deep sadness that we announce the passing away of our beloved Archbishop-Emeritus Fernando R. Capalla at the age of 89, at 1:23 a.m. today, 6 January 2024,” saad sa anunsyo ni Msgr. Jaime Gamboa, chancellor of the archdiocese.

“We in the Archdiocese of Davao, with the Most Rev. Romulo G. Valles, our Archbishop, and the Most Rev. George B. Rimando, our Auxiliary Bishop, and the clergy and religious and lay faithful, will remember with gratitude Archbishop Nanding. We mourn his passing but we are assured of the word of God found in the Book of Wisdom (3:1), ‘The souls of the just are in the hands of God, and the torment of death shall not touch them.’”

Naordinahan si Capalla bilang pari para sa Jaro Archdiocese sa Iloilo City noong 1961, naitalagang auxiliary bishop ng Davao noong April 1975 sa edad 40, at itinalaga bilang obispo noong Hunyo ng parehong taon.

Noong 1977, siya ay itinalagang prelate ng Prelature of Iligan at naging unang obispo ng lungsod nang itinaas ito ni Pope John Paul II sa isang diyosesis noong 1982.

Mula 1987 hanggang 1991, si Capalla ay nagsilbi bilang apostolic administrator ng Marawi.

Noong 1994, siya ay hinirang na coadjutor archbishop ng Davao at gumanap sa tungkulin bilang arsobispo ng Davao noong 1996 pagkatapos ng pagreretiro ni Arsobispo Antonio Mabutas.

Pinangunahan din ng Obispo ang ibat-ibang departamento sa CBCP tulad ng Episcopal Commission on Interreligious Dialogue at ang Episcopal Commission on Ecumenical Affairs.

Naging founder din siya ng Bishops-Ulama Conference, ang interreligious organization na naglalayong pagyamanin ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano.

Ang kanyang mga pagsisikap sa interfaith dialogue ay nakakuha sa kanya ng ilang parangal, kabilang ang San Lorenzo Ruiz Award for Peace and Unity noong 1991, Public Service Award for Peace ng Ateneo de Manila University noong 1998, at ang Aurora Aragon Quezon Peace Award para sa Peace Advocacy and Peace Building noong 2000. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)