Home SPORTS Archer Bantiloc swak sa Paris Paralympics

Archer Bantiloc swak sa Paris Paralympics

Nai-book na ni Para archer Agustina Bantiloc ang kanyang slot para sa 2024 Paralympic Games sa Paris.

Naging kwalipikado ang Bantioc sa pamamagitan ng Bipartite Commission Invitation at sa  pag-abot sa minimum qualification standard, ayon sa anunsyo ng Philippine Sports Commission.

Siya ay bahagi ng duo na umangkin ng bronze medal sa Compound Open Mixed Category ng Para Archer Olympic Qualifers sa Thailand noong nakaraang taon.

Siya ang ikaapat na Pilipinong nagkwalipika para sa Paris Paralympics pagkatapos ng mga swimmer na sina Ernie Gawilan at Angel Otom, at Allain Ganapin ng taekwondo.

Gaganapin ang Paris Paralympic Games mula Agosto 28 hanggang Setyembre 8.