Home ENTERTAINMENT Arron, nag-sorry sa publiko!

Arron, nag-sorry sa publiko!

276
0

Manila, Philippines – Tinatawanan na lang ni Arron Villaflor ang mga bumabatikos sa isang post sa kanyang social media accounts.

Nag-viral ang art card na nai-post sa socmed account ni Arron kung saan mala-“Santino” raw ang kanyang pose.

Kahawig daw kasi nito sa picture si Zaijian Jaranilla, sa poster ng teleserye niya noon sa ABSCBN, ang “May Bukas Pa.”

May ilan ding kinuwestiyon ang paglalagay sa litrato ng actor-politician sa art card ng paghingi niya ng tulong at dasal, na anila’y mala-“trapo” ang dating.

Esplika ni Arron, “Well, first of all, it was a failure from my social media team ‘no.

“And then, sabi ko na it’s no big deal.

“Kasi, the intention was there but the photo did not do well, e. And uh, natatawa ako dahil ako ang nagpo-post sa social media account ko sa page, e.”

Nagpaalam naman daw ang socmed chief of staff niya sa kanya na ipo-post ang art card. Sobra raw siyang nagtiwala.

“Humihingi ako ng tawad sa inyo kung nakitaan nyo siya ng maling pagkakaintindi. So, ayun. At least, next time hindi na po mauulit yun,”pagsamo ni Arron.

Si Arron daw mismo ang agad na nagpatanggal sa nag-viral nya na post.

“Well, actually, picture yun sa mga, alam mo yung pwede namang mag-picture lang. Di ba kunwari, magdasal para sa picture. Magdasal para sa ganyan.

“Kaso, it’s the timing na people’s anger to our government and people are parang making opinion towards our government officials. Plus me, makikitaan mo ng social media yon, di ba parang, ang dali talagang gawan ng malice,” madiing sabi ni Arron.

Mabuti ang intensyon ni Arron sa pagtulong sa mga kababayan natin sa Cebu pati na sa mga kamag-anak niya na nandoon. Kaya pumunta raw talaga diya sa Cebu.

Nakausap namin si Arron sa block screening ng RX Monster para sa latest project nya, ang “Quezon” mula sa TBA Studios at Direk Jerrold Tarog.

Ang “Quezon” ang ikatlong historical film ng sanib-peersang lakas at husay ng tandem nina Direk Jerrold at TBA Studios.

Ang dalawang nauna ay ang “Heneral Luna” at ang “Goyo: Ang Batang Heneral.”

Sa dalawang nabanggit na pelikula ay nandoon si Arron bilang manunulat na si Joven Hernando. Bongga ang role at exposure ni Arron sa “Heneral Luna” at “Goyo.”

At dito sa “Quezon,” bale naghalinhinan na sila ni Cris Villanueva sa karakter ni Joven.

Si Cris ang older version na nagtuloy ng kwento sa buhay ng dating Pangulong Manuel L. Quezon. Pero sa flashback, si Arron ang lumalabas.

Napakaganda ng pelikula Mahuhusay ang mga aktor sa bawat role na ginampanan nila mula kay Jericho Rosales hanggang sa artistang may pinakamaikling exposure sa pelikula.

Swak na swak ang tema ng “Quezon” sa kasaluluyang panahon. Kaya huwag palampasin habang palabas pa sa mga sinehan. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here