Home METRO Asawa, 2 anak hinostage ni erpat sa Cebu!

Asawa, 2 anak hinostage ni erpat sa Cebu!

LABANGON, Cebu- BALIK kulungan ang isang ama matapos i-hostage ang kanyang pamilya kanilang ang asawa nito at dalawang anak na menor de edad, kaninang umaga sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Elland Seseban, 42-anyos, habang ligtas naman ang kanyang 39 na misis at mga anak na 11-anyos na lalaki at 6 na taon babae, lahat ay residente ng Sitio Caduloy, Brgy. Tisa, Labangon.

Batay sa report ng Labangon Police station, bandang 6:10 AM nakatanggap sila ng report mula sa mga residente hinggil sa paghostage ng suspek sa kanyang sariling pamilya.

Rumesponde naman sa nabanggit na lugar ang Labangon-PNP na kinabibilangan ng SWAT team para mapasuko ang suspek na may hawak na 10 pulgadang aluminum pipe.

Sa pangunguna ni Police Major Eraño Sanchez Regidor, hepe ng Labangon-PNP, kinausap na rin nito ang ama ng suspek na makipagtulungan para kausapin ang anak nito.

Makalipas ang 20 minuto pakiusapan sumuko sa mga pulis ang suspek at pinalaya nito ang kanyang pamilya na walang anuman sugat.

Nakakulong ngayon ang suspek sa lock-up cell ng Labagon Police at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Sinabi ng pulisya, na nakulong ang suspek noong 2018 sa kaparehong kaso at nakalaya ito noong 2022.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pag hostage sa kanyang pamilya. /Mary Anne Sapico