MANILA, Philippines – Handa na ang Pilipinas na pangunahan ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa 2026, pangako na naka-angkla ito sa “practical, inclusive, and measurable initiatives” na direktang mapakikinabangan ng mga mamamayan sa rehiyon.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na sinabi ito ng Pangulo sa kanyang interbensyon sa ASEAN Plenary Session sa Kuala Lumpur Convention Center, kung saan nagtipon ang mga lider para sa 47th ASEAN Summit and Related Summits.
“Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Marcos para sa ASEAN 2026 kung saan ang Pilipinas ang magsisilbing host country,” ayon kay Castro sa isang briefing sa sidelines ng summit, araw ng Linggo, Oct. 26.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na nakatuon sa ‘practical, inclusive, at measurable initiatives’ ang pag-host ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon.
Bago pa umalis ng Pilipinas para sa Kuala Lumpur, araw ng Sabado, inihayag na ni Pangulong Marcos ang serye ng domestic reforms na naglalayong sugpuin ang korapsyon, paghusayin ang tinatawag na fiscal fairness, at pagaanin ang cost of living — ang mga hakbang ay kinakailangan upang mapalakas ang kredibilidad ng Pilipinas habang naghahanda ito sa pag-assume ng ASEAN chairmanship sa susunod na taon.
Kabilang sa mga hakbang na kanyang inilista ay ang kanyang naging kautusan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapyasan ang halaga ng construction material costs ng 50% kasunod ng internal review kung saan natuklasan na may ilang items ang overpriced sa kaparehong margin.
Idinagdag pa ng Pangulo na gagawing simple at babawasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang creditable withholding tax rates para tulungan ang mga taxpayers mula sa excessive compliance requirements “without revenues to be forgone.”
Sinabi pa ng Pangulo na inaprubahan din niya ang panukala na itaas ang ‘ceiling for tax-exempt de minimis benefits’ kabilang na ang uniform at clothing allowance para sa mga empleyado.
Idagdag pa rito, sinabi ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price para sa mga imported rice habang tinitiyak ang access sa 20-peso rice program. (KRIS JOSE)