Home NATIONWIDE ASF vax ipamamahagi na sa sunod na linggo – DA

ASF vax ipamamahagi na sa sunod na linggo – DA

98
0

MANILA, Philippines – TARGET ng Department of Agriculture (DA) na i-rollout ang bakuna para sa African Swine Fever (ASF) sa susunod na linggo.

Sa naging panayam ng Malacañang Insider kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, araw ng Huwebes, sinabi ng Kalihim na ang vaccine rollout ay makatutulong sa paglaban sa ASF sa ilang apektadong bayan ng Batangas at mapipigilan ang paglaganap pa nito.

“Luckily iyong ating supplier nag-donate ng 2,000 doses at darating dito sa Biyernes at hopefully ang target namin is maumpisahan na iyong pagbakuna by Tuesday next week,” ayon kay Laurel.

Sinabi pa n Laurel na kinuha nila ang bakuna sa pamamagitan ng emergency procurement system.

Ang procurement aniya ay maaaring magpatuloy hanggang sa susunod na buwan.

Tinatayang 8 munisipalidad sa Batangas ang nagdeklara ng state of emergency, kabilang na rito ang Lobo, Lian, Calatagan, Rosario, Lipa, Talisay, San Juan, at Tuy.

Sa kabila nito tiniyak naman ni Laurel sa publiko na ginagawa ng DA ang lahat ng makakaya nito para kontrolin ang paglaganap.

“Tomorrow (Friday) pala, mayroon tayong mga checkpoint or inspection stations na itatalaga sa mga affected areas – sa eight municipalities so that ma-control natin iyong spread,” ayon kay Laurel.

“So, it’s not that alarming because the vaccine is on the way. So, hopefully ma-contain natin ‘to. But, of course, it will not be easy ‘no but we will do our best,” dagdag na wika nito.

Sa kaganapang ito. pinalalakas naman ng DA ang laboratoryo at pananaliksik ng bansa sa layuning magkaroon ng ‘locally manufacture vaccines’ sa hinaharap.

“An indemnification program is also in place for the affected live-stock sector,” ang tinuran ni Laurel.

“Then mayroon din tayong indemnification program na mapa-finalize na namin iyong policy for the pork. Dati kasi parang kung magkakatay ng baboy na may ASF, 5,000 lang ang ibinibigay regardless of the size of the pig ‘no. Ngayon, ginawa naming tatlong classification – mayroong pangbiik, may pang-medium size, mayroong pangmalaki iyong benta o iyong mga breeder,” litaniya ni Laurel.

Samantala , ang indemnification rates ay ang mga sumusunod: small pigs, P4,000; medium, P8,000; at big, P12,000. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here