Home ENTERTAINMENT Atasha, nagsalita na sa buntis issue!

Atasha, nagsalita na sa buntis issue!

240
0

Manila, Philippines – Nabulabog na naman ang social media nang kumalat ang tsikang isang buwan na raw buntis si Atasha Muhlach.

Si Atasha ay kambal ni Andres na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Regular host din si Atasha ng Eat Bulaga.

Of late nga’y naglipana ang balitang one month preggy ang dalaga.

At ang itinuturong nakabuntis sa kanya: si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Si Vico ang nag-isang anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes.

Sa latest episode ng Ichika Mo Na, Dali! ay ibinalita ni Ogie na nakausap niya mismo si Atasha.

Ito’y nang mag-guest siya sa Pers Family, ang sitcom ng Muhlach family sa TV5.

Ayon kay Atasha, maging siya raw ay nagulat sa naturang balita.

Bukod kasi sa buntis siya kay Vico ay binigyan din daw siya nito ng mamahaling sasakyan.

Pero depensa ni Atasha, hindi pa raw sila nagmi-meet nang personal ng alkalde bagama’t nakilala na raw niya ang half-brother nitong si Oyo Boy at asawa nitong si Kristine Hermosa.

Lumalabas na fake news ang tsikang buntis si Atasha na kagagawan ng mga nagkakalat nito para pagkakitaan.

Kasabay nito, nagbabala si Ogie na huwag basta naniniwala sa lahat ng mga lumalabas sa social media. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here