Home ENTERTAINMENT Ate Gay, may cancer, sinabihang hindi aabutin ng 2026!

Ate Gay, may cancer, sinabihang hindi aabutin ng 2026!

348
0

Manila, Philippines — Napakasakit sa kalooban na tanggapin ni Ate Gay na meron siyang Stage 4 cancer.

Bale ba, tinapatan na ang stand-up comedian—Gil Morales sa totoong buhay—ng kanyang doktor na hindi na raw siya aabutin ng 2026.

Wala raw kasing lunas ang uri ng cancer na dumapo sa nagpasikat ng mash-ups at impersonator ni Nora Aunor.

Kuwento ni Ate Gay sa Kapuso Mo, Jessica Soho, noong una’y parang beke lang daw ito.

Doon na raw napansin ng kanyang mga kasamahan na hindi pantay ang kanyang mukha: “Patingnan mo!”

Benign ang tumor sa unang diagnosis, pero Ate Gay sought a second opinion.

Doon nalaman na malignant na ang tumor.

Isa sa mga unang nakaalam ng sakit ni Ate Gay ay si Allan K, pero nanatiling lihim iyon.

Ayon sa TV host ng Eat Bulaga, ugali raw ni Ate Gay na ayaw mamerhuwisyo ng ibang tao.

Tiniis lang daw niya kahit ang pagso-show noon sa Canada kung saan nakaranas siya ng bleeding dulot ng sakit.

Araw-gabi raw ay umiiyak siya dahil sa kagustuhan pa ring mabuhay.

Panalangin at tulong pinansyal ang hinihingi ni Ate Gay na umaasang “may himala.”

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here