Home ENTERTAINMENT Ate Gay, wala nang bukol sa leeg!

Ate Gay, wala nang bukol sa leeg!

254
0

Manila, Philippines – Wala nang tumubong bukol sa leeg si Ate Gay.

Lisa ang obserbasyong ito ng mga netizen matapos i-flex ng stand-up comedian ang kanyang latest photos sa Facebook.

Laking gulat nga ng mga ito nang mapansin na hindi man lang mababakas ang tumubong bukol sa leeg niya.

Matatandaang nitong Setyembre nang ma-diagnose si Ate Gay—Gil Morales sa tunay na buhay—ng Stage 4 cancer.

Tumugon ang ilang may mabubuting puso sa feature ng Kapuso Mo, Jessica Soho, kung saan tampok siya.

Kagyat ding iniskedyul si Ate Gay sa chemotherapy at radiotherapy para mawala ang bukol na noong una’y tumimbang ng dalawang kilo (2 kgs).

Hanggang nitong huling bahagi ng Disyembre, ipinapakita sa selfie photos na pinost ni Ate Gay sa Facebook na wala nang bakas ng kanyang tumor sa leeg.

Kaya naman masayang nag-post si Ate Gay ng caption na: “Ayyy ohhh, puwede nang rumampa!”

Bagama’t ikinatuwa ng mga netizens ang pagbuti ng kanyang kalagayan, pinag-iingat siya sa posibleng pagkabinat.

Balik-alindog man ang komedyante: “Magpahinga ka muna bago ka rumampa at lumabas!”

“Hinay-hinay lang sa rampa!” payo naman ng isa pa.

“Konting tiis muna sa bahay, Ate Gay… health is wealth!” sey ng isa pang netizen.

Ang tanong—tumalima naman kaya ang komedyanteng pinagmamalasakitan?

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here