Home ENTERTAINMENT Ate Guy, ibinunyag ang dahilan ng pag-atras sa eleksyon!

Ate Guy, ibinunyag ang dahilan ng pag-atras sa eleksyon!

Manila, Philippines – Inamin na mismo ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor kung bakit umatras siya sa kanyang pagtakbo ngayong eleksyon.

Si Ate Guy ang ikalawang nominee ng People’s Champ party list.

Kung papalarin, depende sa dami ng boto ay tatlong nominee ang maaaring umupo sa Kongreso.

Ani Nora, inakala raw niya na ang adhikain o layunin ng kanyang kakatawaning party list ay alinsunod sa kanyang paniniwala.

Pero hindi raw pala, ito ang mismong napagtanto niya sa pagdaan ng mga araw.

Dahil dito’y nawalan na rin daw si Ate Guy ng tiwala sa tao na susuportahan ng mga ito ang nasabing party list.

Nakapagdesisyon si Nora na kumalas sa People’s Champ at sa halip ay iba na lang ang kanyang susuportahan.

Ito’y ang Kabayan party list.

Layunin kasi nito ang tumulong sa mga mahihirap nating kababayan.

Bukod dito’y maglalaan din ito ng tulong para sa industriyang ginagalawan ni Nora.

Marami ang nag-akala na puwersadong umatras si Nora dahil nagkataong ipinalabas ang kanyang pelikulang Mananambal.

Bawal ang anumang TV o film exposure sa lahat ng mga kandidato alinsunod sa itinakda ng Fair Election Code. Ronnie Carrasco IIi