Home ENTERTAINMENT Ate Vi, lumantak ng tawilis, pinatunayang safe kainin!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ate Vi, lumantak ng tawilis, pinatunayang safe kainin!July 21, 2025 11:051200 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Tawilis for breakfast, why not?Viral ngayon ang isang video showing Batangas Governor Vilma Santos-Recto enjoying her morning meal.Parang TVC o ad sa TV lang ang peg ng video na ‘yon kung saan iginigiit ng aktres-pulitiko na safe kainin ang isdang tawilis.This is in the light of current news na sa Taal Lake itinapon ang mga nawawalang sabungero.Ang Taal Lake ang habitat ng mga tawilis, ganoon din ang tilapia, bangus at maliputo.Sa balita ay apektado ang benta lalo na ng tawilis sa merkado.Maging ang mga kainan sa Cavite, Laguna at Batangas ay apektado rin.Nilinaw ni Ate Vi na non-carnivorous ang tawilis, meaning, hindi kumakain ng karne.Sa halip ay planktivorous ang mga ito which feed on planktons.Bukod dito’y iginiit ni Ate Vi na cultured ang mga isdang ito at iba pa tulad ng bangus na inaalagaan sa mga fishpens.“Nothing to worry,” paniniyak ng aktres na panay kain ng tinitinidor na tawilis.“Enjoy tawilis, enjoy tilapia, enjoy bangus and maliputo,” pang-eengganyo pa niya. Ronnie Carrasco III