Home ENTERTAINMENT Ate Vi, may wish sa pamilya!

Ate Vi, may wish sa pamilya!

Manila, Philippines- Magkasamang nag-celebrate ng New Year ang buong pamilya ni Vilma Santos at Sec. Ralph Recto.

Sa resort nila sa Punta Fuego sa Batangas sinalubong ang 2025.

Sey pa ni Ate Vi, ang ilayo sa anumang health problems ang first and foremost wish ng Star for All Seasons sa mahal niyang family.

Papuntang Baguio ang buong pamilya para ipagdiriwang ang kaarawan ni Sec. Ralph this coming Saturday Jan. 11.

May surprise gift din naman si Ate Vi sa mahal niyang esposo, huh!

Samantala, hindi man nagwagi ng awards ang pelikulang “Uninvited” ay patuloy pa ring dinagdagsa ng mga moviegoers ang nasabing pelikula.

Very much happy naman si Ate Vi sa resulta ng movie nila with Aga Muhlach and Nadine Lustre.

Ipapalabas na rin ang “Uninvited “ sa mga sinehan abroad at inaabangan na ang movie ng mga kababayan natin sa ibang bansa, huh!

May nakapagbulong naman sa amin mula sa isa sa mga staff ng Mentorque Productions na may isang balita na tiyak daw na ikakagulat natin, huh!

Well, anyway kung anuman yun, abangan na lang natin at extended pa rin naman ang mga pelikula at palabas pa rin sa mga sinehan ang “Uninvited”.

Inisnab man ng mga hurado ng MMFF ay maraming nanood pa rin ng pelikula, huh! Jimi Escala