Home NATIONWIDE Atong Ang muntik nang maaresto – Remulla

Atong Ang muntik nang maaresto – Remulla

102
0

MANILA, Philippines – Nasa Pilipinas pa rin si Atong Ang at muntik nang maaresto sa isang operasyon, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Biyernes, Abril 10.

Ito ang kinumpirma ni Remulla kung saan naglunsad umano ang mga awtoridad ng operasyon madaling araw ng Huwebes matapos na makita si Ang sa hideout nito.

Tumanggi naman si Remulla na ibigay ang lokasyon ng naturang hideout.

Matatandaan na kamakailan ay sinabi ni Remulla na sa intelligence report ay napag-alaman na nasa Vietnam si Ang ngunit sa mga pinakabagong impormasyon ay nagpapakita itong posibleng nasa Pilipinas pa rin ang negosyante.

Bago pa nito, humiling na rin ang mga awtoridad ng paglalabas ng Interpol red notice laban kay Ang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here