Home HOME BANNER STORY Atong Ang nasa bansa pa – DOJ

Atong Ang nasa bansa pa – DOJ

163
0

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Department of Justice na nasa bansa pa rin ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, base sa rekord ay nandidito pa siya dahil walang rekord ang Bureau of Immigration na ang negosyante ay nakalabas ng bansa.

Nahaharap si Ang sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention sa mga korte ng Sta. Cruz, Laguna; Lipa, Batangas; at San Pablo, Laguna.

Sa tatlong kaso, ang Sta. Cruz RTC Branch 26 at Lipa RTC Branch 13 lamang ang naglabas ng arrest warrants laban sa kanya.

Bagamat hindi inalis ni Vida ang posibilidad na maaaring nasa labas na ng Pilipinas si Ang, tiniyak niya na patuloy ang paghahanap ng mga ahensiya ng batas.

Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na may P10-milyong pabuya para sa impormasyon na magbibigay daan sa pag-aresto kay Ang.

Idiniin din niya na ang koneksyon ni Ang sa iba’t ibang antas ng gobyerno ang pinakamalaking balakid sa kanyang pag-aresto.

Samantala, sinabi ng Ministry of Foreign Affairs ng Cambodia na wala si Ang sa kanilang bansa matapos ang ulat na lumipad siya roon. Jocelyn Tabangcura-Domenden 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here