Home ENTERTAINMENT Atty. Topacio, kinakalaban si Boss Vic?

Atty. Topacio, kinakalaban si Boss Vic?

Manila, Philippines – May mga bago na namang talents ang Borracho Films Productions ni Atty. Ferdinand Topacio na ipinakilala sa ilang members ng press people kumakailan lamang na pawang mga young, pretty and sexy girlash kaya natanong ni Yours Truly si Atty. Topacio kung may balak ba siyang tapatan ang mga sexy stars ng Vivamax Film Productions ni Boss Vic del Rosario?

“Wala. Maliit lang ako, I mean my Film Productions. Kaya lang gusto ko rin naman mag-build up n:g mga potential stars pero hindi para makipag-kumpitensya.

“Actually ipinag-paalam ko nga ito kay Boss Vic, eh. Sabi ko sa kanya, ‘Boss Vic baka akalain mo kinakalaban ko kayo, hindi ah.’

“At ang naging sagot naman niya sa akin ay, ‘Hindi. You are not a competition. We are collaborators.’

“So walang problema sa amin ni Boss Vic,” ang naging kasagutan ni Atty. Topacio sa aming tanong.

Kung sabagay, sabi nga ni Boss Vic kay Yours Truly, sa ating showbiz industry daw, there should be no subraction, only addition, and drream big to prosper, boom, ganerrn!

Saka in pernes mga potential stars naman ang mga newest talents ng Borracho Films tulad nina Nica Balmes, Jesy Vidal, Zelene Dizon, Aviegale Castillo, Elle Fernandez, Stella Blanca at Sean Raval.

Borracho Films Productions has new film projects na nakalinya na for showing sooner than soon tulad ng “One Dinner A Week”, “Spring in Prague” at “The Life Of A Senator” na tipong life story ni former Senator Gringo Honasan coz ito ang unang pina-preskon ng Borracho Film Productions bago ang mga newest talents ni Atty. Topacio.

Kung sabagay sabi nga ng nakakarami sa madlang Pinoy, napaka-colorful daw kasi ng personal at political life ni Sir Gringo lalo na nung kasagsagan ng People Power Revolution kung saan pinangunahan nito ang pagpapatalsik sa Malacanang Palace ni Ex-President Ferdinand Marcos in 1986.

Pero nagtago raw ito during the terms of former President Corazon Aquino at Gloria Macapagal Arroyo

Inaresto rin siya ng constabulary matapos ang kudeta noong Agosto 1987 sa isang bahay sa Valle Verde, Pasig.

At siya ay nakulong sa isang barkong nakadaong sa Manila Bay ngunit nakatakas din sa kalaunan.

And the rest is now a history or pang-throwback memories na lang na yun nga, gagawing pelikula ng Borracho Film, ang kanyang life story na wala pa kaming balita kung sino ang gaganap.

Sana siya na lang coz in pernes and in person ay guwapo siya, may magandang pangangatawan at height. Matikas pa ang arrived sa true lang.

Yo, what you think Atty. Topacio? Think and think big,ha! Para boom, kaboom! Insert smiley, u! Mercy Lejarde