Home ENTERTAINMENT Awra, ‘burned version’ daw ni Marian; Inokray, mukha raw kabayo!

Awra, ‘burned version’ daw ni Marian; Inokray, mukha raw kabayo!

2
0

Manila, Philippines – Na-achieve ni Awra Briguela na maging peg ni Marian Rivera sa

Temptation Island with her sunog or burned version.

Get ready to be in awe of Awra sa kanyang latest pictorial–mimicking Marian.

Matatandaang sa remake ng 80s film, in the cast sina Marian, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Rufa Mae Quinto at Heart Evangelista.

Produced by GMA Pictures, ipinalabas ito noong 2011.

Bahagi naman ng caption ni Awra a la sunog version of Marian: “Walang borbeg, walang laps, walang wifi… di mag-hormones na lang tayo!”

Dagdag niya: “Mula sa pelikulang Temptation island, sa direksyon nı Joey Gosiengfiao.”

Ka-join din ang mga friends ng transwoman personality na nanggaya naman kina Lovi, Heart, Solenn at Rufa Mae.

Pagdya-justify ni Awra sa kanyang sunog version ni Marian–hindi pa raw tumatalab ang glutathione sa kanya.

Sey niya, next time na lang daw siya babawi kay Marian pag tumalab na ang gluta.

Inokray naman si Awra ng isang netizen: “Sorry, pero parang kabayo sa disyerto ang atake. Hahaha!”

Sorry din, hindi bothered si Awra! Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here