Home HOME BANNER STORY Ayuda sa nasunugan sa Binondo siniguro; kapabayaan tatalupan ng MDRRMO

Ayuda sa nasunugan sa Binondo siniguro; kapabayaan tatalupan ng MDRRMO

224
0

MANILA, Philippines – HANDA ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na bigyan ng tulong ang mga nasawing biktima ng naganap na sunog sa isang establisyemento sa Binondo, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Sa ekslusibong interbyu ng Remate News Central kay Manila Department of Social Welfare and Development (MDSW) Director Re Fugoso, agad silang nakipag-ugnayan kay Chairman Simonet Ty ng Barangay 289 upang mag-alok ng tulong kung saan binanggit nito na magpadala ng mga pagkain para sa mga miyembro ng mga pamatay sunog na rumesponde.

Dahil dito, nagpahanda agad ang lokal na pamahalaan ng nasa 200 sandwiches at mga inumin upang pantawid gutom sa mga rumespondeng bumbero.

Ayon pa kay Fugoso, inaalam pa nila kung ano ang maaari nilang maitulong sa mga nasawing biktima.

Aniya, wala umanong pamilya ang mga nasawing biktima na pawang “boarders” lamang sa nasunog na establisyemento.

“Yung mga boarders nagtatrabaho sa iba’t-ibang establishment sa Binondo. Wala silang pamilya na makakausap dito dahil karamihan sa kanila ay taga-probinsiya,” ani Fugoso.

Samantala, ayon naman kay Manila Public Information Office Chief Atty. Princess Abante, magsasagawa naman ng imbestigasyon ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office hinggil sa naganap na sunog kung may nangyari din ba dito na kapabayaan. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here