Home METRO Babae nahati sa dalawa nang magulungan ng trak

Babae nahati sa dalawa nang magulungan ng trak

MANILA, Philippines – Patay at nahati pa ang katawan ng isang babae matapos magulungan ng trak sa Cebu South Coastal Road (CSCR) sa South Road Properties nitong Linggo, Mayo 5.

Ang aksidente ay nangyari sa tulay na nagdudugtong sa Talisay City-side at Cebu City-side ng CSCR, lampas alas-9 ng umaga.

Inaalam pa ang pangalan ng biktima na nagtangka umanong tumawid sa CSCR.

Sa kasawiang-palad ay nagulungan ito ng trailer truck at nagtamo ng fatal injuries, na nagresulta sa pagkahati ng katawan nito.

Kumakalap pa ng dagdag na ebidensya ang Traffic Enforcement Unit mula sa mga posibleng witness sa lugar. RNT/JGC