Home NATIONWIDE Babaeng bisita ng Manila City Jail naharang sa tabako na inihalo sa...

Babaeng bisita ng Manila City Jail naharang sa tabako na inihalo sa turon at maruya

283
0

MANILA, Philippines – Naharang ang isang babaeng bisita sa Manila Ciy Jail Annex matapos makitaan ng 12 sachet ng tabako ang dalang turon at maruya noong Linggo, Hulyo 13.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR), nadiskubre ito ng kanilang jail officer habang binubusisi ang dala-dalang pagkain ng babaeng suspek.

Idinagdag pa na ang suspek ay opisyal nang pinagbawalan na makapasok sa pasilidad ayon na rin sa polisiya ng visitors regulatory board.

Sa kanilang Facebook post, nagbabala ang BJMPRO-NCR sa mga bumibisita sa mga piitan na mag-isip-isip kung planong magdala ng ismagel na illegal na bagay sa loob ng jail facilities.

Ayon pa sa kagawaran, mahigpit ang protocol sa piitan upang masiguro na walang kontrabando na ipapasok na maaaring magresulta sa seryosong kahihinatnan.

Ipinaalala rin ng BJMP sa publiko na ang tobacco products tulad ng sigarilyo ay itinuturing na kontrabando sa ilalim ng polisiya ng mga piitan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here