Home METRO Babaeng nakasilid sa storage box, umalingasaw sa tulay sa Camarines Norte

Babaeng nakasilid sa storage box, umalingasaw sa tulay sa Camarines Norte

273
0

MANILA, Philippines – Natagpuang nakasilid sa loob ng storage box sa ilalim ng Pinagwarasan Bridge sa Basud, Camarines Norte ang bangkay ng isang babae, ayon sa pulisya.

Nakabalot sa brown na kumot ang katawan at pilit isiniksik sa kahon.

Ang babae, na may suot na puting t-shirt, itim na leggings, at may mga tattoo, ay hindi pa nakikilala.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at nanawagan sa publiko na magbigay ng impormasyon kung sino ang babae. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here