Home NATIONWIDE Babaeng pauwi na sa bahay matapos mag-withdraw sa bangko ninakawan, binaril sa...

Babaeng pauwi na sa bahay matapos mag-withdraw sa bangko ninakawan, binaril sa Cotabato

1
0

MANILA, Philippines – Nanakawan ng P135,000 cash ng hinihinalang mga magnanakaw ang isang babae sa Barangay Rosary Heights 2, Cotabato City nitong Biyernes, Setyembre 4, sa kabila ng umiiral na gun ban.

Ayon kay Colonel Jibin Bongcayao, Cotabato City police director, ang babae na kinilalang si Mercy ay nag-withdraw mula sa bangko at sumakay ng “habal-habal” pauwi ng bahay nang sundan ng mga suspek.

Pagdating ng habal-habal sa Climente Alino Street sa Barangay Rosary Heights 2 bandang 3:10 ng hapon ay hinablot ng isa sa mga suspek ang sling bag ng biktima na naglalaman ng pera.

Nagpumiglas ang biktima ngunit binaril ito ng suspek sa kanyang mukha.

Tinamaan din ng bala ng baril ang drayber ng habal-habal sa leeg.

Tumakas ang mga suspek patungo sa Notre Dame Avenue.

Agad na isinugod sa ospital ang babae at drayber ng habal-habal na ngayon ay nagpapagaling na.

Nakita ng pulisya ang empty shells para sa caliber .45 pistol sa crime scene. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here