Home METRO Babaeng sanggol natagpuang patay sa tambakan

Babaeng sanggol natagpuang patay sa tambakan

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang babaeng sanggol sa tambakan ng basura sa Kalibo, Aklan nitong Biyernes, Agosto 4.

Sa ulat, natagpuan ng isang mangangalakal ng basura ang bangkay na nakasilid sa garbage bag sa Barangay Bachaw Sur ng nasabing bayan.

Posibleng nakolekta umano ng trak ng basura ang garbage bag ngunit hindi pa matukoy kung saang bayan ito nagmula.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay nito. RNT/JGC