NABAHALA ang mga fans ng La Salle matapos ma-stretcher out si Kean Baclaan sa kanilang 111-110 overtime win laban sa University of the East sa UAAP.
Nagtamo ng pinsala si Baclaan sa kanang tuhod matapos bumagsak sa salpukan nil ani Wello Lingolingo sa huling minuto ng laro.
Dinala siya agad sa ospital para sa masusing pagsusuri at kasalukuyang hinihintay pa ang opisyal na resulta ng kanyang MRI.
Bago ang insidente, may iniinda nang calf strain si Baclaan, kaya pinangangambahang mas lumala ito dahil sa pagkakabangga.
Sa parehong laro, ilang manlalaro rin ng parehong koponan ang nagtamo ng mga tama tulad nina Precious Momowei at Mike Phillips.
Sa kabila ng mga aksidente, nakabangon ang La Salle mula sa dalawang sunod na talo at umangat sa 3-3 bago makaharap ang University of the Philippines sa susunod na laban. GP