Home NATIONWIDE Bacolod radio anchor sinuspinde sa rape jokes sa ere

Bacolod radio anchor sinuspinde sa rape jokes sa ere

50
0

MANILA, Philippines – Isang radio anchor sa Bacolod City ang sinuspinde matapos magbitiw ng mga rape joke habang nasa live broadcast, kasabay ng ulat ng isang babaeng reporter.

Kinilala ang anchor na si Jean Paul Generoso, na umano’y ilang ulit na nakarinig ng mga biro na tumutukoy sa rape habang nasa ere noong Mayo 20, 2026.

Ayon sa ulat, sinabi umano ni Generoso na dahil sa inis niya sa binabalitang kaso ng reporter, nais niyang mapunta sa kulungan kasama ang isang lalaking naaresto dahil sa pananakit sa kanyang anak. Mula rito, nabanggit din ang pahayag na may kinalaman sa posibleng “rape” bilang halimbawa ng krimen.

Hindi ito pinalampas ng ilang sektor, kabilang ang mga lokal na opisyal at women’s rights groups, na mariing kinondena ang insidente.

“Hindi iyan pwede. You never joke on rape. Under the law, there should be a committee on decorum and investigation on cases on sexual harassment because, definitely, that is a sexual harassment case,” ayon kay Councilor Celia Flor, chairperson ng Committee on Women and Children ng Bacolod City Council, na nagpasimula rin ng imbestigasyon.

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

“Hindi dapat gamitin ang ganyang joke. Kung may makita kaming violation, we will refer this to our legal counsel,” ayon kay NUJP-NIR Chairman Chito Berjit Jr.

Mula sa Presidential Task Force on Media Security, iginiit ang kahalagahan ng propesyonalismo sa media.

“I-observe natin ang ethical practice of journalism. Kung kailangan ng proteksyon, magkakaroon tayo ng security at threat assessment,” ayon kay Executive Director Jose Torres Jr.

Humingi ng paumanhin si Generoso sa insidente, ngunit hindi ito naging sapat upang maiwasan ang kanyang suspensyon.

Ayon sa pamunuan ng radyo, agad silang nagpatupad ng disciplinary action.

“We do promise rin sa aming listeners na nagte-take rin kami, especially sa admin, naka-take rin kami ng action. Whoever na magkasala, may sanction talaga,” pahayag ni station manager Rods Palma.

Bukod sa pagiging anchor, si Generoso ay nagsisilbi ring human resource manager ng naturang istasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here