Home NATIONWIDE Bagong Associate Justices ng Sandiganbayan kilalanin

Bagong Associate Justices ng Sandiganbayan kilalanin

135
0

MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Justice Gener Malaluan Gito at Justice Ermin Ernest Louie Ramirez Miguel bilang mga bagong Associate Justice ng Sandiganbayan.

Ang appointment paper ni Gito ay nilagdaan ni Pangulong Marcos nito lamang Oktubre 8, 2024, ipinadala naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga appointment papers nina Gito at Miguel sa Office of the Chief Justice noong Oktubre 9, 2024.

Papalitan ni Gito si Oscar C. Herrera Jr.

Matatandaang si Muntinlupa City RTC Branch 206 Presiding Judge Gener Gito ang nagbasura sa ikatlo at huling drug case ni dating Senadora Leila de Lima noong Hunyo 24, 2024 matapos ang pitong taon mula nang sampahan ng kaso ang dating mambabatas.

Pinagbigyan ni Judge Gito “demurrer to evidence” ni De Lima.

Samantala, tinanggap naman ng Korte Suprema ang dalawang bagong mga hukom na itinalaga ni Pangulong Marcos sa Sandiganbayan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here