Home HOME BANNER STORY Bagong dashcam video malaking bagay sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Cabral –...

Bagong dashcam video malaking bagay sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Cabral – NBI

257
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap ang National Bureau of Investigation (NBI) ng bagong dashcam footage na maaaring maging “substantial” sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Maria Catalina Cabral.

Sa naturang footage, makikita si Cabral na nakaupo sa concrete pavement sa pagitan ng dalawang safety barriers noong Disyembre 18, 2025.

Ayon sa NBI, posibleng ito ang final footage ni Cabral na siya ay buhay pa. Makikita rin sa video na wala itong kasama maging ang sasakyan nito.

“Mayroon kaming nakita na very, very substantial, isang dashcam footage na nagsasabi at nagpapakita kay Usec Cabral na nakaupo na sa pinakababa… Yung mga previous kasi na mga footages at mga pictures na pinakikita para siyang nagsa-sightseeing. Nandoon, nakaupo siya sa barrier o kaya nakatayo siya with the vehicle. [Dito sa bagong footage], walang ibang tao, walang sasakyan. That would only prove among others na wala talagang kasama during the time that she was last seen alive,” pahayag ni NBI spokesperson head agent Palmer Mallari.

“Ang nakuha po naming footage, which was examined frame by frame, suggests na nandoon na po siya sa baba. Doon sa footage na nakuha natin, andoon pa yung coordinates and the particular date and time kung saan makikita kung anong oras siya nandoon. When the agents visited the coordinates, nagmatch po ito sa lugar kung san narecover ang kaniyang body later on,” dagdag pa niya.

Ang bagong development na ito ay nagpapakita umano ng mas malinaw na ideya kung ano ang nangyari kay Cabral at sinabi pa na ang mga injury na tinamo nito nang makuha ang katawan nito ay kapareho kung ang isang tao ay mahuhulog sa isang bangin.

“Yung pwesto niya ay parang about to go down at magpapadausdos. Yung messages subsequent to the date and the time na andoon sa nakuha naming footage at wala na po siya. That must mean that must be the last time that the body was found alive,” ani Mallari.

Samantala, sinabi ng NBI na sinusuri na rin nito ang anti-anxiety medication at dalawang blade na nakuha na pag-aari ni Cabral.

“The product literature of these medicines suggests that these were actually being taken by somebody who suffers from sleep and anxiety disorders… Prolonged use would be able to develop a feeling of suicide or suicidal tendencies… Napakamamahalin [noong] bag pero may 2 kutsilyo,” sinabi ni Mallari. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here