Home METRO Bagong imprastruktura pinasinayaan sa Navotas

Bagong imprastruktura pinasinayaan sa Navotas

DALAWA pang bagong proyektong imprastraktura ang pinasinayaan sa lokal na pamahalaang Navotas bilang bahagi pa din ng 17th cityhood anniversary celebration ng lungsod.

Pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang pagbabasbas at inagurasyon ng Lt. M. De Vera St. sa Brgy. Sipac-Almacen at ang bagong konstruksyon ng multipurpose building sa Navotaas Homes II – Tanza 2.

Ipinaayos ang Lt. M. De Vera St. sa Brgy. Sipac-Almacen upang makapagbigay ng mas ligtas at episyenteng ruta para sa mga motorista maging ang mga dumadaan dito na inayos pa ang mga kanal upang makaiwas sa pagbabara ng paligid nito.

Samantala, ang bagong 2-story building sa Navotaas Homes II – Tanza 2 ay isang day care center, senior citizens’ office, tanggapan para sa housing administration, at multi-purpose hall.

Nilinaw ni Tiangco ang kahalagahan ng mga proyekto sa pagpapaunlad ng kalidad at buhay ng mga Navoteños.

“Improving our city’s infrastructure is more than just building roads and buildings; it represents our vision for a progressive city where Navoteños can thrive and feel safe,” ani Tiangco.

“These developments improve public safety and foster a stronger sense of community. By investing in our infrastructure, we are investing in the well-being of every Navoteño,” dagdag ng alkalde. (R.A Marquez)