Home METRO Bagong interior chief suportado ng Metro Manila mayors

Bagong interior chief suportado ng Metro Manila mayors

93
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng lubos na pagsuporta ang Metro Manila Council (MMC) kay bagong naluklok na Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kasunod ng kanyang appointment ng Pangulo noong Martes, Oktubre 8.

Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, lahat ng pangunahing miyembro ng konseho ay may buong tiwala kay Remulla at sa kanyang mga kakayahan dahil alam nilang hindi madaling mamuno sa isang progresibong lalawigan tulad ng Cavite.

Idinagdag niya na bilang isang dating gobernador, mauunawaan ni Remulla ang damdamin at sentimyento ng iba pang mga alkalde at lokal na punong ehekutibo, kaya’t makukuha ang kumpletong suporta ng konseho sa lahat ng kanyang mga programa at hakbangin sa hinaharap.

Nanumpa si Remulla sa panunungkulan sa harap ni Pangulong Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng DILG sa Palasyo ng Malacañang.

Pinalitan niya si Benhur Abalos na tatakbo sa pagka-senador sa darating na 2025 elections sa ilalim ng slate ng administrasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here