Home NATIONWIDE Bagong mga alituntunin sa preliminary probe, inquest proceedings tinintahan

Bagong mga alituntunin sa preliminary probe, inquest proceedings tinintahan

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang ceremonial signing ng bagong mga patakaran para sa preliminary investigations at inquest proceedings.

Tinintahan ni Remulla ang Department of Justice-National Prosecution Service 2024 rules sa Kalayaan Hall sa Palasyo ng Malakanyang, habang nakatayo si Pangulong Marcos upang saksihan ang nasabing kaganapan.

“From here onwards, every case we handle, every decision we make, every reform we champion will impact the lives of every single Filipino and it will shape the future of our country,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.

Samantala, sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na dinedeklara ng bagong patakaran na ang preliminary investigations ay ‘purely an executive function.’

Inulit din ni Vasquez na ang ‘standard of proof’ ay pinag-usapan mula sa probable cause hanggang prima facie evidence na mayroong ‘reasonable certainty of conviction.’

“Thereby ensuring that only quality, trial-ready cases are filed in court and no frivolous or harassment suits can ever see their day in courts anymore,” ang pahayag nito.

Maliban pa rito, sinabi naman ni Justice Undersecretary Jessie Andres na ang ‘bagong rules’ ay nagbibigay katiyakan na ang mga inosenteng indibiduwal ay hindi makakasuhan.

“Para po sa mga ordinaryong mamamayan, sa bagong rules on preliminary investigation, sinisiguro po na hindi kayo makakasuhan or maiisyuhan ng warrant of arrest sa isang kaso na walang ebidensiya na hawak ang prosekusyon kasama ang law enforcement,” ayon pa rin kay Andres sa press briefing sa Malakanyang.

Marso ng taong 2023, ipinag-utos ni Remulla sa mga taga-usig ng pamahalaan na irekumenda ang withdrawal ng mga nakabinbin na criminal cases sa first-level courts na ‘no probable cause with reasonable certainty of conviction.’

Tinatayang nasa 7,000 kaso ang nadismis mula sa 30,000 na kaso na inihain noong 2023.

“They were not elevated to the court trial because the prosecution did not have sufficient evidence. So, you can imagine 7,000 cases that supposedly should be filed in court were no longer part of the court dockets because the lack of evidence was apparent at that point in time,” aniya pa rin.

Sinabi ni Remulla ang nasabing rules ang magiging daan para sa mas mataas na conviction rate.

“These rules will lead to a higher conviction rate, declog court dockets, and ensure a more streamlined justice process,”ayon kay Remulla.

Sa ngayon ani Andres, ang departamento ay mayroong 93% conviction rate.

“Even now, we already have statistics showing that the case buildup mechanism is very effective,” ang winika nito.

Samantala, present naman sa ‘signing cereminy’ sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Court Administrator Raul Villanueva, National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago, Philippine National Police chief Police General Rommel Marbil, Prosecutor General Benedicto A. Malcontento, at iba pa. Kris Jose