Home NATIONWIDE Bagong NGCP rates ilalabas sa Q1 2024 – ERC

Bagong NGCP rates ilalabas sa Q1 2024 – ERC

MANILA, Philippines – Target ng Energy Regulatory Commission (ERC) na kumpletuhin ang pagrepaso nito sa performance ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para matukoy ang mga bagong power transmission rates sa unang quarter ng 2024.

“Actually, it’s not only the report that will be out. New rates should be already in place by the first quarter,” ani ERC chairperson Monalisa Dimalanta.

Ang pahayag ni Dimalanta ay kasunod ng atas mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumpletuhin ang “reset of NGCP’s rates without further delay, to ensure its compliance with statutory and regulatory obligations.”

Ang panawagan ng Pangulo ay dumating kasunod ng malawakang matagal na pagkawala ng kuryente sa Panay Island.

Nanindigan naman ang NGCP na normal ang sistema bago ang maraming tripping ng mga power plant unit at ang mga aksyon na ginawa nito ay nasa loob ng protocol. RNT

Previous articleAll-time high flight record naitala sa NAIA sa 2023
Next articleSatellite pharmacy para sa Embo citizens binuksan ng Taguig