Home NATIONWIDE Bagong Nigerian envoy sa Pilipinas

 mainit na tinanggap ni PBBM

Bagong Nigerian envoy sa Pilipinas

 mainit na tinanggap ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes ang bagong Ambassador ng Nigeria sa Pilipinas na si Ibok-Ete Ekwe Ibas, at nagpahayag ng pag-asang lalo pang mapalakas ang relasyon ng dalawang bansa.

Iniharap ni Ambassador Ibas, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Federal Republic of Nigeria to the Republic of the Philippines, kay Pangulong Marcos ang kanyang letters of credence sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

“Inaasahan namin ang panahon na makakasama namin kayo rito upang mapaunlad ang ating relasyon,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.

Sinabi ng Pangulo na malaki ang posibilidad na mapalawak pa ng Pilipinas at Nigeria ang kanilang pagtutulungan at makapagpatupad ng mga programang kapaki-pakinabang sa parehong bansa.

“Maraming bagay, sa aking pananaw, ang maaari nating tuklasin at paunlarin. Marami tayong posibilidad na maaaring maging kapaki-pakinabang sa ating dalawang bansa,” ayon sa Pangulo.

There are many things that, in my view, we can explore and develop. There are so many potentialities that will be of mutual benefit to both our countries,” dagdag na pahayag nito.

“Kaya malugod ko kayong tinatanggap sa Pilipinas, at inaasahan ko ang mga gagawin nating hakbang upang maisulong at mapalalim ang relasyon ng Nigeria at Pilipinas,” aniya pa rin.

Kasama ni Ambassador Ibas sa seremonya ang kanyang asawa. Dumalo rin dito sina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at Deputy Chief of Presidential Protocol Dennis Briones. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here