Home NATIONWIDE Bagong obispo ng Baguio itinalaga ng Santo Papa

Bagong obispo ng Baguio itinalaga ng Santo Papa

MANILA, Philippines – Nagtalaga si Pope Francis ng isang pari mula sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan bilang bagong obispo ng Diocese of Baguio, ayon sa anunsyo ng Vatican sa pamamagitan ng Holy Press Office.

Si Msgr. Rafael T. Cruz, ang kura paroko ng Saint Ildephonse, Malasiqui, Pangasinan, at vicar forane ang magiging ikatlong obispo ng diyosesis.

Siya ang pumalit kay Arsobispo Victor Bendico, na nakatalaga sa Archdiocese ng Capiz.

Ipinanganak si Cruz noong Marso 12,1960 sa Mapandan, Pangasinan, sa archdiocese ng Lingayen-Dagupan.

Hinimok naman ni Diocese of Baguio administrator, Fr. Roladn Paris Buyagan, ang mga parokyano na manalangin para sa hinirang na Obispo.

Kumuha siya ng Pilosopiya sa San Pablo Regional College Seminary, Baguio City, Bangued, at tumanggap ng Bachelor of Arts in philosophy. Kumuha siya ng teolohiya sa Immaculate Conception School of Theology, Vigan City, Ilocos Sur, na tumanggap ng Bachelor of Sacred Theology.

Si Cruz ay naordinahan bilang pari noong Setyembre 8, 1985 para sa archdiocese ng Lingayen-Dagupan.

Pagkatapos ay ginawaran siya ng Master of Arts sa counseling psychology at Doctor of Philosophy sa clinical psychology mula sa Ateneo de Manila University. Nagkaroon siya ng kanyang residency training program sa Loyola University of Chicago at sa Carl Jung Institute of Evanston, Illinois.

Naglingkod siya bilang deputy parish priest ng Saints Peter and Paul, Calasiao, Pangasinan, chaplain ng Our Lady of Remedies Chapel, Quezon City, visiting professor sa Loyola School of Theology, Ateneo de Manila University (1999-2004), at spiritual director at psychologist advisor sa mga seminarista ng territorial prelature ng Batanes

Naging guro din siya sa Center for Family Ministries, Ateneo de Manila, spiritual director at guro sa Mary Help of Christians High School Seminary at Mary Help of Christians College Seminary, kura paroko at vicar forane ng Saint Thomas Aquinas, Mangaldan, Pangasinan at mula noong 2022 siya ay vicar forane, miyembro ng Permanent Committee for the Protection of Minors, bukod sa iba pa. RNT