MANILA, Philippines – PORMAL nang iprinesenta ni Philippine Ambassador to the Holy See Raphael Lotilla ang kanyang letter of credentials kay Pope Leo XIV sa Vatican para sa pagsisimula ng kanyang diplomatic mission nitong Hulyo 1.
Mainit naman na tinanggap ni Pope Leo XIV ang 68-year-old na bagong Philippine ambassador to the Vatican.
Kasunod ng paghahain ng kanyang opisyal na dokumento ng pagtatalaga, nagsagawa ng pormal na pagpupulong sina Pope Leo XIV at Lotilla.
Bago italaga bilang embahador, nagsilbi si Lotilla bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Naging kalihim din siya ng Department of Energy sa ilalim ng dalawang magkaibang administrasyon.
Si Lotilla ay nagtapos ng Psychology, History, at Law sa University of the Philippines Diliman at kumuha ng Master of Laws sa University of Michigan sa Estados Unidos.
Samantala, si Lotilla ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa diplomatic relations nito sa Holy See at para tumulong pa upang palakasin ang matagal na ugnayan sa pagitan ng Maynila at ng Vatican. KRIS JOSE