MANILA, Philippines – Para sa mas maayos at mas mabilis na Traslacion ngayong taon, naglagay ang mga organizers ng bagong queue system sa pahalik ng imahe ng Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand.
Pagkatapos maipahalik ang imahe, kailangang bumalik ang mga deboto sa Kalaw Extension, dahil isara ang Katigbak Drive para sa seguridad at mas maayos na daloy ng prusisyon.
Aabot sa 18,000 PNP personnel ang ide-deploy, kabilang ang 1,000 intelligence operatives at 800 Hijos del Nazareno police.
Magkakaroon rin ng signal disruptions, no-fly zones, at suspensyon sa permit na magdala ng baril mula Enero 8–10.
Ang MMDA ay magpapadala ng higit sa 1,000 tauhan at naghanda ng rerouting schemes at alternatibong ruta.
Sa seguridad, ipatutupad ang liquor ban sa 500-metro radius ng Quiapo Church at Traslacion route, at fireworks/firecracker ban mula Enero 8–9.
Layunin ng bagong sistema na tapusin ang Traslacion sa loob ng 15 oras, at tiyakin na ang milyon-milyong deboto ay makakalahok nang ligtas at maayos sa tradisyonal na debosyon ng ‘pahalik’. RNT/MND