MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapasinaya ng bagong Super Health Center sa Naval, Biliran, at tinulungan ang mga mahihirap na sektor sa bayan.
“Maraming salamat po sa inyo dahil sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin upang makapagserbisyo sa inyo. Hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na binigay ninyo. Iyan lang po ang maiaalay ko sa inyo, ang aking kasipagan sa pagserbisyo,” ang sabi ni Go.
Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagtatayo ng Super Health Centers bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagsisikap na mapahusay ang accessibility sa healthcare sa mga komunidad.
“Nakita namin kung gaano kalaki ang naitutulong nito sa komunidad, lalo sa rural areas. ‘Yun po ang layunin ng mga Super Health Centers, ang mailapit sa mamamayan ang serbisyong medikal ng gobyerno,” ani Go.
Layon ng SHCs na bawasan ang rate occupancy sa ospital habang inilalapit ang mga pangunahing serbisyong medikal sa mga nasa ibaba. Ang mga pasilidad na ito ay nag-aalok ng pangunahing pangangalaga, medikal na konsultasyon, at maagang pagtuklas ng sakit.
Sa pagsisikap ni Go at mga kasamang mambabatas, ang Department of Health (DOH) sa pangunguna ni Secretary Teodoro “Ted” Herbosa, at local government units, ay naglaan ng sapat na pondo para sa pagtatayo ng mahigit 700 Super Health Centers sa buong bansa, kabilang ang tatlo sa Biliran.
Nagpahayag ng pasasalamat ang senador sa DOH at sa lokal na pamahalaan sa kanilang masigasig na pagsisikap upang maisakatuparan ang Super Health Center. PartiBagong SH sa Naval, Biliran binuksan ni Bong partikular niyang pinasalamatan sina Congressman Gerardo Espina Jr., Governor Gerard Roger Espina, Vice Governor Brigido Caneja III, League of Municipalities of the Philippines Biliran President at Naval Mayor Gretchen Espina, at Vice Mayor Vicente Curso Jr.
Samantala, ang mga barangay health worker ay nakatanggap ng iba’t ibang anyo ng suporta sa nasabing araw sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ni Senator Go at ng lokal na pamahalaan.
Bukod dito, 2,617 residente na binubuo ng mga barangay health worker, barangay nutrition scholars, transport workers at mga biktima ng bagyo ang nagtipon sa Biliran Province State University Gym at Naval Municipal Gym para makatanggap ng karagdagang suporta mula kay Go, tulad ng food packs, snacks, vitamins, masks, shirts, foldable fan, basketball, at volleyball. Nakatanggap din ang ilan sa kanila ng sapatos, mobile phone, bisikleta, at relo.
Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Naval, sa pangunguna ni Mayor Espina, nabigyan din ng suportang pinansyal ang mga natukoy na indigent sectors.
Nag-alok ng karagdagang tulong si Go sa mga indibidwal na may pangangailangang medikal at pinayuhan silang mag-avail ng tulong na ibinibigay ng mga malalapit na Malasakit Center na matatagpuan sa Biliran Provincial Hospital (BPH) na binisita rin niya noong araw na iyon.
Ang Malasakit Centers ay one-stop shop para sa mga programang tulong medikal na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na pasyente na bawasan ang kanilang mga gastos sa ospital sa pinakamaliit na posibleng halaga.
Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.
Sa kasalukuyan, 166 Malasakit Centers ang operational sa buong bansa, na tumutulong sa mga pasyente sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot. Iniulat ng DOH na ang programa ay nakatulong na sa mahigit 15 milyong Pilipino. RNT