Home METRO Bagong silang na sanggol nadiskubre sa bakanteng lote

Bagong silang na sanggol nadiskubre sa bakanteng lote

MANILA, Philippines – Natagpuan ng isang babae ang bagong silang na sanggol sa isang bakanteng lote sa Brgy. Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas.

Ayon sa pulisya, dinala ng isang concerned citizen ang sanggol sa barangay hall.

“Ngunit sa amin pong pag-iimbestiga, ito pong abandonadong lote pong ito ay may bakod at may mga aso. Kumbaga, private lot po ito. Bumalik po doon ang ating investigator at may nakita na pong inunan nitong bata,” ayon kay PMAJ. Emil Mendoza, Deputy Chief of Sto. Tomas Component City Police Station.

Nasa pangangalaga na ng mga health worker sa Sto. Tomas City ang sanggol habang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakakilanlan ng ina nito at ang tao na umabandona sa sanggol.

Ayon sa pulisya, hinihinala nilang ang babae na nagdala ng sanggol sa barangay hall ang ina nito.

“Itong certain ‘Mary Ann’ kahapon ay parang may dinaramdam at ayon sa ilang may bahay doon, baka siya rin ang nanay,” ani Mendoza.

Umapela naman ang pulisya sa publiko at nagsabing, “Mayroon po tayong DSWD (Department of Social Welfare and Development) na handang tumulong sa kanila pagdating sa mga ganyang bagay at mayroon pong kaukulang bagay; at may ahensya po na handang tumulong sa kganitong sitwasyon. Sa katunayan po, itong baby ay dadalhin na sa kanilang shelter maybe this afternoon para doon maalagaan ng maayos.” RNT/JGC