Home METRO Bagong working hours ipatutupad sa Navotas

Bagong working hours ipatutupad sa Navotas

Binati nina Navotas Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco at iba pang opisyal ng lungsod ang mga bagong halal na opisyal sa 18 barangay sa Navotas sa isinagawang mass oath taking ceremony na ginanap sa Navotas Sports Complex. Jojo Rabulan

Magsasgawa ng bagong work schedule ang pamahalaang lungsod bg Navotas simula sa May 2, 2024.

Nilagdaan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang Executive Order (EO) No. JRT-016, na nagsasaad ng pagpapalit ng oras ng pagtatrabaho sa pamahalaang lungsod mula  8am-5pm hanggang  7am-4pm alinsunod sa  Metropolitan Manila Council (MMC) Resolution No. 24-08, s. 2024.

“Apart from helping ease traffic congestion in Metro Manila, this change in work schedule will also give workers more time to spend with their families or pursue other meaningful endeavors,” ani Tiangco.

Ang mga departamento, tanggapan, at mga unit na may shifting schedules, tulad  ng  traffic management, emergency preparedness and response, and peace and order, ay hindi sakop ng EO, para tiyakin ang  public service delivery.

Ang mga Coaches ng  NavotaAs Scholarship Program ay mananatili sa kanilang schedule maging ang mga klase sa  Navotas Polytechnic College at  Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Sa mga public health facilities ng lungsod, ang tanging health center sa Brgy. Tanza 2 at ang Navotas City Hospital ay magpapatuloy ang operasyon ng trabaho.

Mahigpit na hinimok ni Tiangco ang mga  barangay sa lungsod na pairalin ang kaparehong executive orders sa kanilang oras ng pagtatrabaho bilang bahagi ng MMC Resolution.(R.A Marquez)