Home NATIONWIDE Bagyong Domeng lumakas, naging typhoon

Bagyong Domeng lumakas, naging typhoon

34
0

MANILA, Philippines – Lumakas at naging ganap na typhoon ang Bagyong Domeng (international name: Jangmi) habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Sabado, Mayo 30.

Sa advisory na inilabas alas-2 ng hapon, sinabi ng PAGASA na patuloy na lumalakas ang bagyo habang kumikilos sa Philippine Sea sa silangan ng Northern Luzon.

Bandang alas-3 ng hapon, namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa layong 815 kilometro silangan ng Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 150 kph. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.

Patuloy ding naaapektuhan ng southwest monsoon o “habagat” ang Visayas, Mindanao, at kanlurang bahagi ng Southern Luzon.

Dahil sa habagat, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Batangas, at Lanao del Norte.

Samantala, makararanas din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon dahil sa trough ng Bagyong Domeng.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here