MANILA, Philippines – Pansamantalang isinara sa trapiko ang isang bahagi ng Bontoc-Kalinga Road sa Sadanga, Mountain Province dahil sa landslide matapos ang malakas na pag-ulan nitong Martes.
Nagpapatuloy ang clearing operation ngayong Miyerkules.
Sinabi ng PAGASA na ilang lugar sa bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Miyerkules dahil sa mga localized thunderstorms na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslides sa panahon ng matinding thunderstorm. RNT