ILOCOS NORTE, Philippines – Isang magnitude 4.5 na lindol ang tumama sa karagatan ng Ilocos Norte ngayong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa pinakahuling bulletin nito, iniulat ng Phivolcs na ang tectonic na lindol ay naganap alas-10:29 ng umaga ngayong Martes, Setyembre 2, 2025.
Namataan ang epicenter nito sa layong 29 kilometro hilagang-kanluran ng Pagudpud, Ilocos Norte. na may lalim na 10 kilometro.
Walang inaasahang aftershocks o pinsala sa mga ari-arian mula sa pagyanig. RNT/MND