Home OPINION BAKIT TUMAKBO SI TORRE KAY DE LIMA?

BAKIT TUMAKBO SI TORRE KAY DE LIMA?

214
0

NITONG birthday ni ML Partylist Representative Leila de Lima, lumitaw na sinadya ni ex-Philippine National Police chief Nicolas Torre III na puntahan at batiin siya.

Anong meron kaya rito? Dahil ba sa pagtatanggol ni De Lima sa kanya makaraan siyang sibakin sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos?

Sabi kasi ni De Lima na wala ni ho, ni ha o paliwanag mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumibak sa kanya. “Anong nangyayari…sa much appreciated and high-performing PNP Chief!”

Sa huli, nagsilabasan na ang mga rason.

Nauna rito, pinagsisibak sa pwesto at nirigodon ni Torre ang kanyang mga opisyal, kabilang na si ngayo’y Officer-in-Charge Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. bilang kapalit niya at nasa 11 iba pa na police regional directors

Ayon kay National Police Commission Chairman Atty. Rafael Vicente R. Calinisan, nilabag ni Torre ang probisyon sa Konstitusyon, Section 6, Article XVI, na may iisang pwersa ng pulisya na nasa pangangasiwa at kontrol ng Napolcom.

Ayon kay Remulla, nilabag ni Torre ang Napolcom Resolution No. 2022-473 na nagsasabing dapat kumpirmahin muna ng Commission En Banc ang anomang pagtatalaga o paglilipat ng “third level positions” sa PNP bago ito isagawa.

Lumabis si Torre sa pagganap ng kanyang kapangyarihan sa pagsibak at pagrigodon ng kanyang mga tauhan nang wala man lang paalam kay Pangulong Marcos o kay Remulla na siyang ex-Officio Chairman ng Napolcom, sabi naman ni Senador Ping Lacson.

Bakit nga ba kay De Lima agad tumakbo si Torre? Hmmm!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here