Home ENTERTAINMENT Balik-TV ni Kris, ‘di tuloy?

Balik-TV ni Kris, ‘di tuloy?

Manila, Philippines – Pumasok na nga ang buwan ng Disyembre.

Ipinakilala na rin ang mga programa sa telebisyon na sasalubong sa 2025.

Curious tuloy ang mga netizens kung ano na ang developments sa comeback show ni Kris Aquino sa TV–tuloy pa kaya ‘yon?

Matatandaang mismong ang Queen of All Media ang nag-anunsyo ng kanyang comeback vehicle kung saan muli niyang makakatrabaho si Darla Sauler.

Nag-ipon pa nga sila ng mga materyales na maaaring gamiting video inserts noong bumisita si Darla sa tinutuluyan ng mag-inang

Kris at Bimby when they came back from the US.

Ang “press release” pa, Kris’ show will tackle her journey while undergoing treatment in the States.

May participation din daw sa show si Bimby who’s being groomed by his mom as host.

So, whatever happened to Kris’ supposed show na inaabangan pa naman ng kanyang mga tagasubaybay?

Dinig namin, pinayuhan daw si Kris ng kanyang mga doktor not to rush things lalo’t patuloy pa rin ang kanyang pagpapagamot.

Magugunitang Kris had to be admitted at the Makati Medical Center in isolation.

If ever matuloy ang kanyang show ay maraming dapat isaalang-alang dahil maselan ang kanyang kalagayan.

Kung all systems go nga naman ito, by this time ay umeere na dapat ang teaser nito kasabay ng pagpapatawag ng malaking mediacon.

But there seems to be an unnerving silence from Kris’ end.

Sayang. Ronnie Carrasco III