Home NATIONWIDE Bam Aquino, magbabalik sa Senado

Bam Aquino, magbabalik sa Senado

212
0
Naghain si dating Senador Bam Aquino ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo bilang senador. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Kabilang si dating senador Bam Aquino sa matiyagang naghintay para humarap sa media sa gitna ng patuloy na pagdagsa ng mga kandidato na maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance and Nomination (CON-CAN) ngayong Lunes, Oktubre 7 sa Manila Hotel Tent City.

Naghain si dating Senador Bam Aquino ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo bilang senador. CESAR MORALES

Sa kanyang pagbabalik sa Senado, kung papalarin muli ay sisiguruhin niya na bibigyang pansin ang mga mahahalagang bagay.

Ayon kay Bam, naipasa na noon ang libreng kolehiyo at nais niyang itambal rito ang isang batas na magsisigurong may trabaho ang mga kabataan.

“Reforma sa edukasyon, libreng kolehiyo at siguradong trabaho para sa kabataan ang nais niyang maibigay sa taumbayan.”

Sinabi ni Bam na handa siya sa kampanyang ito at mas handa siya na maglingkod sa taumbayan.

Ilan lamang sa mga naisabatas na batas ng dating Senador ang Go Negosyo Act, na tutulong sa mga micro-financevsector at mga benipisyaryo sa pagsusulong sa Micro -Finance Institute NGOs Act .

Kabilang din sa kanyang mga naisabatas ang Customs Modernization and Tarrrif Act at Department of Information and Communication Technology (DICT) Act at marami pang iba.

Siya ay tatakbong senador ngayong 2025 bilang independent. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here