Home HOME BANNER STORY Ban sa e-bike, e-trike sa pangunahing lansangan, palalawigin ng LTO

Ban sa e-bike, e-trike sa pangunahing lansangan, palalawigin ng LTO

280
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Land Transportation Office (LTO) na mas palalawigin pa ang ipinatutupad na ban sa mga e-bike at e-trike sa mga pangunahing lansangan sa mga susunod na araw.

Ayon kay LTO officer 1 Jerome Rodriguez nakatakdang maglabas ng bagong panuntunan ang LTO hinggil sa e-bike at e-trike at posibleng ilabas ngayong buwan o sa Pebrero.

Sa ginanap na Quezon City Journalist forum kanina Enero 13 posibleng ilabas ngayong buwan o sa susunod na buwan ang circular memorandum hinggil sa bagong panuntunan sa e-bike at e-trike.

“Hinihintay na lamang naming ang pirma ng Department of Transportation bago ilabas ang bagong circular memorandum” sabi ni Rodriguez.

Isa sa mga pangunahing tinitingnang probisyon sa guidelines ay ang pagsasama ng mga light electric vehicle sa opisyal na kategorya ng sasakyan para sa lisensiya.

Kaugnay nito sinabi ni Marlyn Allanigue ng Philippine Association of LTO Accredited  Driving School na nakapagtala ang kanilang asosasyon ng aabot sa 14,000 ang naitalang record sa road crash incident.

Sinabi pa ni Allanigue na dapat maregulate ang mga gumagamit ng e-bike at e-trike dahil karamihan sa mga ito ay hindi dumaan sa training at seminar ng LTO sa wastong paggamit ng ating mga kalsada para sa pagmamaneho.

“Dumarami ang mga motorsiklo, e-bike, e-trikes at mga sasakyang (4 wheel vehicles) at ang volume ng sasakyan sa mga lansangan ay nagiging dahilan ng mga problema sa lansangan” ayon pa kay Allanigue. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here