Home HOME BANNER STORY Bangka sumabog sa Bajo de Masinloc

Bangka sumabog sa Bajo de Masinloc

MANILA, Philippines – Sumabog ang isang fishing boat kung saan nagtamo ng paso at lapnos ang mgaangingisda malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal nitong Sabado, Hunyo 29 ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo, Hunyo 30.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, walo ang sakay ng fishing boat.

Sa ibinahaging larawan ng PCG, nagtamo ng burn injury ang ilan sa mga mangingisda na agad nilapatan ng lunas ng mga tauhan ng PCG matapos magsagawa ng rescue operation.

Sinabi ni Balilo na base sa pahayag ng mga crew, nagkaroon ng faulty battery sharter motor ang dahilan ng pagsabog at kalaunan ay lumubog ang kalahating bahagi ng bangka.

Naispatan din malapit sa insidente ang dalawang China Coast Guard vessel.

Sa ngayon, nangangalap pa ng iba pang detalye at impormasyon ang PCG at agad na ibabahagi sa media sa oras na ito ay available na. Jocelyn Tabangcura-Domenden