Home METRO Bangka tumaob sa Cagayan; 17 nasagip

Bangka tumaob sa Cagayan; 17 nasagip

4
0

CAGAYAN, Philippines – Tumaob ang isang outrigger boat sa karagatan malapit sa Dalupiri Island sa Magsidel, Calayan, Cagayan noong Sabado ng hapon, Setyembre 5.

Ayon kay Jeo Robert Arirao, Calayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, patungo sa Calayan ang MB Geri An matapos umalis sa pantalan sa Claveria noong umaga.

Gayunman, sinalpok ito ng malalakas na alon hanggang sa mapasok ng tubig at tuluyang tumaob.

Agad nakapagpadala ng mensahe sa radyo ang mga crew sa Philippine Coast Guard at mga disaster responder. Rumesponde ang mga ito gamit ang MB Claricel at hinila ang nasirang bangka.

Nasagip ang mga pasahero at crew. Pagdating sa pantalan, isinailalim sila sa medical check-up at pinayagang umuwi. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here