Home METRO Bangkay na butas-bungo natagpuan sa tubuhan

Bangkay na butas-bungo natagpuan sa tubuhan

BACOLOD CITY – Natagpuang patay ang isang hindi pa nakikilalang biktimang lalaki na may mga tama ng bala sa ulo sa tabi ng tubuhan sa Bangga Ibus, Barangay Tortosa, Manapla, Negros Occidental noong Sabado, Hulyo 1.

Sinabi ni Manapla police chief Police Major Jaynick Bermudez na ang mga kamay ng biktima ay nakatali ng packaging tape nang matagpuan ng isang dumaan.

Ang bibig ng biktima ay tinatakan din ng packaging tape at nakadapa sa lupa habang nakita rin ang ang isang placard na may nakasulat na “Wag tularan, kawatan ako.”

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang bala ng kalibre .45 na baril.

Sinabi ni Bermudez na ang biktima ay nasa edad 35 hanggang 40 at nakasuot ng itim na sando at isang pares ng asul na shorts at may tattoo sa kaliwang braso na may nakasulat na “Edgar Lusmenda.”

Maaaring ang biktima ay mula sa labas ng bayan at doon lamang itinapon. RNT