Home HOME BANNER STORY Banta sa buhay dahilan ng pag-eskapo ni Guo – Abalos

Banta sa buhay dahilan ng pag-eskapo ni Guo – Abalos

(Cesar Morales)

MANILA, Philippines – Death threat o banta sa buhay…

Ito ang ibinigay na dahilan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kay Interior Secretary Benhur Abalos kaya siya tumakas palabas ng Pilipinas.

Samantala, sa isang press conference kasunod ng pagdating ni Guo sa Pinas galing Indonesia nitong Biyernes ng umaga, iprinisenta naman si Guo bilang detainee, at winika ito ni Abalos “sabi ni Alice natatakot sya sa buhay nya kaya umalis sya sa bansa.”

“Sabi natin sabihin mo lahat at poproteksyunan ka ng police…important malaman natin ang totoo,” dagdag niya.

Kinumpirma ni Guo, sa parehong press conference, ang pahayag ni Abalos.

“Kinoconfirm ko po ang lahat ng sinabi ni Sec. at humingi ako ng tulong sa kanila at masaya ako na nakita ko sila and I feel safe po,” sabi ni Guo.

Nauna rito, sa isang video na ipinost sa Facebook ni Abalos ng pakikipagpulong nila ni Guo sa Jakarta noong Huwebes ng hapon, narinig si Guo na nagsasabing, “Sec, patulong. May death threat po kasi ako.”

Hindi na narinig ang buong sagot ni Abalos pero may portion na sinabi niyang, “Kaya nga kami kumuha ng private plane…”

Sina Abalos at Philippine National Police chief General Rommel Marbil ay pumunta sa Indonesia para sa custody turnover ni Guo.

Sinabi ni Abalos na nasa loob na ng eroplano si Guo ay binasa ang mga kaso laban sa kanya sa korte ng Tarlac. Inilabas ang warrant noong Huwebes ng hapon.

Aniya, ang batayan ng pag-aresto kay Guo sa Indonesia ay ang arrest order mula sa Senado.

Gayunpaman, sa pamamagitan ng warrant of arrest, magtatagal si Guo sa Camp Crame bago siya dalhin sa Tarlac sa Biyernes ng umaga.

Kung siya ay magpiyansa, inaasahang kukunin siya ng Senado sa kustodiya dahil sa naunang contempt citation dahil sa hindi pagdalo sa mga pagdinig.

Si Guo ay umalis ng bansa noong Hulyo sa kabila ng kanyang pangalan na nasa immigration lookout bulletin.

Dumating si Guo sa Pilipinas ilang minuto makalipas ang ala-1 ng madaling araw noong Biyernes sakay ng isang pribadong eroplano sa NAIA sa Pasay City.

Siya ay nahaharap sa reklamo ng human trafficking sa Department of Justice.

Ang Bureau of Immigration, sa isang pahayag, ay nagsabi na si Guo ay nahaharap din sa mga kaso ng undesirability at misrepresentation sa ilalim ng Philippine immigration laws. RNT