Home METRO Baradong drainage system sa tambak na basura dahilan ng pagbaha sa Pasay

Baradong drainage system sa tambak na basura dahilan ng pagbaha sa Pasay

159
0

Inihayag ng pamahalaang Lunsod ng Pasay na ang mga tambak na basura ang nakabara sa mga daluyan ng tubig ulan at mga kanal o drainage systems na naging sanhi ng mga pagbaha sa ilang Barangay sa Lunsod sa kasagsagan ng hagupit ng bagyong Carina.

Lumalabas sa kanilang pag- iimbestiga na problema sa drainage system kung saan truck truck ng basura mula sa mga plastic at styrofoam ang nakolekta sa mga kanal at estero.

Bukod pa rito, karamihan sa mga baradong drainage sa tabi ng kalsada nakuha ang mga sanga at dahon ng puno na humahadlang para sa maayos na pagdaloy ng tubig ulan.

Binigyan diin ni Mayor Emi Calixto Rubiano na pangunahing alalahanin ng Pasay City government ang kapakanan ng mga PasayeƱo sa panahon ng pananalasa ng Bagyong Carina.

Agad nagbigay ng resources at tulong ang Pasay LGU sa mga residenteng nasalanta ng bagyo.

Paglilinaw ng Alkalde, ang pagbaha ay hindi resulta ng kasalukuyang Pasay coastal development project kundi ang mga halu-halong basurang nakabara sa mga drainage system.

Dagdag pa ng Mayor, sila ay nakatuon sa paghahanap ng pangmatagalang solusyon upang maiwasan ang mga ganitong insidente sa hinaharap. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here