Home METRO Barangay chairman sa Sto. Tomas, utas sa pamamaril

Barangay chairman sa Sto. Tomas, utas sa pamamaril

3
0

BATANGAS, Philippines – Patay ang 50-anyos na si Dennis Tenorio Austria, chairman ng Barangay Santa Anastacia sa Sto. Tomas City, Batangas, matapos siyang pagbabarilin sa kanyang tahanan noong Huwebes ng umaga, Oktubre 15.

Ayon sa ulat, pinaniniwalaang riding-in-tandem ang mga suspek na sangkot sa pamamaril. Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa krimen.

Nanawagan naman ng katotohanan at hustisya ang pamilya at komunidad para sa nasawing opisyal. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here